Monday, September 11, 2006

A Catastrophe

It has been one month since MT Solar 1 sank in the Guimaras Strait. About 350,000 liters of oil have spilled in the said area last August 11. This may lead to long-term harmful effects to the livelihood, environmental and ecological state of Guimaras.

Affected communities in Guimaras, especially the fishermen are now facing a huge struggle. Marine resources have been greatly affected by the oil spill. These are most of the resources that the communities along the vicinity of the effected area cling on to for a living. Among the affected marine resources are the corals, dolphins, and turtles.




Aside from marine life, the health of every resident in the affected area is at risk. According to the Regional Disaster Coordinating Council or RDCC, 1,070 residents are recorded to have oil spill-related diseases and symptoms. And worse, Department of Health or DOH said that they have already recorded 2 deaths due to the oil spill.

This situation needs an immediate response from the government and from the people involved. If this will not be remedied at the most immediate time, the situation will be worsen.

A coastal clean up is still on going and from the records, 1,600 residents have been helping.


Detainees from different prisons have also offered their help. They donated their hair for the clean up drive. But according to Department of Science and Technology or DOST, they should not use hair, instead, use coconut husks, rice straw, feathers and corn cobs/stalks for the absorption of the oil.

Science-based response are also being conducted to secure the island.

All possible remedies should already be done for if not, many will suffer.

(Other related readings) GUIMARAS

A Catastrophe

It has been one month since MT Solar 1 sank in the Guimaras Strait. About 350,000 liters of oil have spilled in the said area last August 11. This may lead to long-term harmful effecr to the livelihood, environmental and ecological state of Guimaras.

Affected communities in Guimaras, especially the fishermen are now facing a huge struggle. Marine resources have been greatly affected by the oil spill. These are most of the resources that the communities along the vicinity of the effected area cling on to for a living.


These are the affected marine life: (Corals, turtle, dolphin)

Aside from marine life, the health of every resident in the affected area is at risk. According to the Regional Disaster Coordinating Council or RDCC, 1,070 residents are recorded to have oil spill-related diseases and symptoms. And worse, Department of Health or DOH said that they have already recorded 2 deaths due to the oil spill.



This situation needs an immediate response from the government and from the people involved. If this will not be remedied at the most immediate time, the situation will be worsen.



A coastal clean up is still on going and from the records, 1,600 residents have been helping.



Detainees from different prisons have also offered their help. They donated their hair for the clean up drive. But according to Department of Science and Technology or DOST, they should not use hair, instead, use coconut husks, rice straw, feathers and corn cobs/stalks for the absorbtion of the oil.

Science-based response are also being conducted to secure the island.

All possible remedies should already be done for if not, many will suffer.

(Other related readings) GUIMARAS

Wednesday, August 30, 2006

Blogging dito sa P'nas



Philippine Daily Inquirer Northern Luzon Bureau
< a href = "URL" alt > Philippine Daily Inquirer Northern Luzon Bureau < / a >
< a href = "URL" target = "_blank" > blogspot.com < / a >
“Not in my lifetime that I can see the death of newspaper in this country”. Ito ang naging klarong sagot ng guest speaker na si Prof. Rolando “Roly” Fernandez patungkol sa umuusbong na bagong mukha ng mass media dito sa bansa- ang blogging.
Ayon kay Sir Rolly, ang paggamit ng blogging dito sa bansa ay lubos na napapanahon lao na’t unti-unting pinapalitan na raw diumano ng blogging ang traditional media. Ayon pa sa kanya, mayroon na raw halos isang milyon ang gumagamit ng blog dito sa Pilipinas. Halos limang milyong bloggers naman daw ang gumagamit sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas, marami na rin daw ang mga journalist na gumagamit ng blog. Isang halimbawa raw dito ay ang pag-usbong ng “Hello Garce” isyu na karamihan na ginamit na medium ng mga journalist ay ang blog. Naging advantage rin daw ito ng ibang mga journalist na ang pangunahing balita ay patungkol sa Pangulo dahil sa naisasambulat nila sa pamamagitan ng blog ang mga hindi pa nalalaman ng karamihan.
Nasabi rin ni Sir Rolly ang nakikitang threat sa paggamit ng blog. Una ay ang nakikita niyang pagkawala ng community newspapers. Naisip niyang baka magdepende na lang ang mga mambabasa sa blog ng mga journalist at hindi na tangkilikin pa ang mga community newspapers.
Ngunit kampante naman si Sir Rolly na mas magiging maganda ang idudulot ng pagagamit ng blog. “It’s (blogging) a form of journalism and has its future”, aniya. Naniniwala ang Editor-in-Chief- ng PDI (Philippine Daily Inquirer) Northern Luzon Bureau na ang mga bloggers ay journalist din na matatawag. Dagdag pa aniya na by three to four years, magboboom na raw diumano ang paggamit ng blog.
Tungkol naman sa isyu ng accuracy sa pagsusulat at pangangalap ng impormasyon sa blog, sinabi niyang hindi dapat kalimutan ang pagiging accurate sa pagsusulat. “We have to consider the concern of legal issues”, tugon niya. #

Monday, August 28, 2006

Oil Spill sa Guimaras Island



oil spill
"oil spill" < / a >
abs-cbn interactive < / a >
Tanker spills are an increasing environmental problem because once oil has spilled, it is virtually impossible to completely remove or contain it. Even small amounts spread rapidly across large areas of water. Because oil and water do not mix, the oil floats on the water and then washes up on broad expanses of shoreline. Attempts to chemically treat or sink the oil may further disrupt marine and beach ecosystems.
Microsoft ® Encarta ® 2006. © 1993-2005 Microsoft Corporation. All rights reserved.


Isang malaking problema ngayon ang kinakaharap ng Visayas Region partikular na ang Isla ng Guimaras dahil sa pagtagas ng langis dulot ng lumubog na oil tanker na MV Solar One.

Lubhang nakakabahala na ang patuloy na patagas ng langis na napabalitang umabot na diumano sa ilang lugar sa Subic Coast Area.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang gobyerno sa agarang paglilinis at pag-aalis ng langis sa karagatan ng Visayas. Agad umaksyon ang pamahalaan sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga eksperto galing sa Amerika at Japan. Ayon sa inisyal survey ng mga eksperto, matatagalan pa di umano ang paglilinis lalo na kung mano-mano ang paglilinis dito.

Sa kabila pa rin ng lahat ng ito, lubos namang napabilib ang mga ito sa pagtitiyaga ng mga tao sa Guimaras upang malinis ang kanilang karagatan.

Wednesday, July 26, 2006

SONA 2006: Ang Kalagayan ng Pilipinas




Sa kabila nang masungit na panahon dulot ng bagyong si Glenda, hindi ito naging hadlang para sa Pangulo sa kanyang pagsasakatuparan ng State of the Nation Address sa mamamayang Pilipino.
Sa kanyang isinagawang report sa taumbayan, kanyang ipinagmalaki ang mga proyektong kanyang isinulong sa halos tatlong taon na kanyang pamamahala bilang Pangulo ng Pilipinas. Binigyang-diin ng Pangulo ang mga pangagailangan mismo ng mga Pilipino. Ayon sa kanya, patuloy pa rin ang pagsusulong ng gobyerno sa paglaban sa kahirapan. Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng kanyang patuloy na mga proyektong pang-kabuhayan ay maiibsan di umano ang problema sa kahirapan.
Tinutukan din ng Pangulo ang krisis pang-ekonomiya ng bansa. Sa papamagitan ng powerpoint, naipakita ng Pangulo ang kanyang mga hangarin sa susunod pang mga taon. Isa sa napagukulan ng pansin ng Pangulo ang page-enhance ng SuperRegion. Napapaloob dito ang mga programa tulad ng Fiscal Reform, Social Expenditure at ng Agribusiness.
Kapansin-pansin din ang pagsusulong niya sa pagbabago ng Konstitusyon ng Pilipinas. Sinabi niyang kailangan ng Constituional Convention para na rin sa kaayusan ng ating bansa.
May mga isyu rin ang Pangulo na halatang hindi pinag-ukulan ng pansin ang Pangulo. Ang mga isyung ito ay pawang nakapaloob sa kanyang “Ten-point Agenda” noong siya ay nailuklok sa kanyang pwesto noong taong 2004. Ang pagsugpo sa kahirapan ay hindi gaanong diniinan ng Pangulo. Masyadong ideyal ang pagsasakatuparan ng mga programa sapagkat walang maayos na pagtataguyod ng laban sa kahirapan. Marami ang namamatay dahil sa kahirapan. Majority rito ay mga kabataang laman ng kalsada o di kaya ay nasa bundok at walang ibang makain kundi dahon ng kamote lamang.
Tanong ko sa Pangulo ay ito, paano niya nagagawang magsalita ng buong pagmamalaki sa harap ng milyun-milyong Pilipino gayong halos wala siyang nabanggit na konkretong lunas sa pakikipaglaban sa problema ng kahirapan. Militarisasyon lang ba ang magiging susi para sa tinatawag niyang “Strong Republic”? Alam kung isa ito sa mga panghabambuhay na isyu dito sa Pilipinas. Hangga’t hindi tayo nagbabago sa bulok na sisitema ng ating bansa, wala nga talaga tayong magagawa kundi harapin na lang natin ang matagal ng realidad sa ating bansa.
Ito lamang ay aking sentimyento sa gobyerno dahil kahit ang tianatangi nating bayani na si Jose Rizal ay mawawalan din siguro ng gana kung ang nakikita niya ngayon ay walang pinagbago sa pinaglaban niya ilang daang taon na ang nakakalipas.

Sunday, July 16, 2006

Ang Bandila



Ang Bandila ang siyang pinakabagong news and current affairs program ng ABS CBN network. Ito’y mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Primetime bida”. Ipinagmamalaki ng programang ito ang ibang anyo ng balita na sa tingin nila ay kaiba sa ibang news organization dito sa Pilipinas. Ito’y pinangungunahan ng mga de-kalidad na tv news anchor ng ABS CBN, sina Ces Drilon, Korina Sanchez at si Henry-Omaga Diaz. Hindi ito naihahanlintulad sa programang “Insider” nila Atty. Dong Puno at ni Ces Drilon o ng “Isyu 101” sa kadahilanang mas pinaaga ang oras nito at mas piling-pili ang mga balitang inihahatid para sa publiko.
Sa programang ito makikita ang kakaibang pormat ng paghahatid ng balita. Ang bandila ng Pilipinas na siyang simbolo ng programa ay masasabi kong malaki ang naitulong sa pagkumbisi ng mga manonood. Sa tingin ko, kaya bandila rin ang napiling simbolo ay dahil na rin sa mas pinapaboran nito ang madlang Pilipino. Ang mga isyung kinapapalooban ng balita nila ay may kinalaman lamang sa loob ng isyung pampulitikal at panlipunan dito sa Pilipinas.
Sa aking panonood, napansin kong mas buhay na buhay ang programang ito kaysa sa ibang late night news ng mga iba’t ibang network. Sa kulay pa lamang ng program icon at sa kanilang mala-pinoy rock na soundbed ay siguradong ma-eenganyo ang sinumang makakapanood dito. Nakakabuhay din ang makulay na pagsusuot ng mga outfit ng mga anchors, nakakadagdag pa ito ng pagkuha ng atensyon sa mga manonood.
Pagdating naman sa istilo ng pagcover ng balita, mas nakapokus ang programa sa pagpapalawak ng istorya sa iisang isyu. Tulad ng sa isyung pagdakip ng mga Magdalo mutineers, ginamit ng Bandila ang istilong Priming para lalo pang maintindihan ang isyung ito. Tungkol naman sa pagkuha ng video ng mga kakapanayamin, masasabi kong mas creative ang dating nito dahil sa iba-iba ang anggulong pinapakita. Minsan ang shot sa taong kinapanayam ay nasa medium, at madalas ay biglang close shot ito.
Epektibo rin ang interaksyon ng tatlong anchors. Nagkakaroon ito na pagsang-ayon ng mga manonood sa bawat opinyon na sinasabi ng mga anchors. Maging ang pag-uusap ng anchor sa reporter bago ito magreport ay nakakatulong sa pagbabago ng itsura ng pagbabalita. Malaking tulong din ang wikang Filipino na siyang naging medyum ng pagbabalita.
Masasabi kong napapanahon ang ganitong programa dahil sa itinataas nito ang kalidad ng pagbabalita dito sa Pilipinas. Ang paraan ng pagbabalita ay masasabi kong maayos na naihahatid sa mga Pilipino lalo pa’t ito’y may kinalaman sa kung ano ang nangyayari mismo dito sa Pilipinas. Isama na rin dito ang mga batikan at masasabi kong may kredibilidad na mga tv news anchors ng ABS CBN news and current affairs.

Sunday, July 09, 2006

Ang UNICEF at ang Kabataang Pinoy




Dito sa Pilipinas, ayon sa ulat ng isa sa mga reporter ng programang “24 Oras”, isa sa tatlong kabataang Pilipino diumano ay malnourished. Isa sa sampung kabataang Pilipino naman ay namamatay kada taon dulot ng malnutrisyon. Ito’y dulot na rin ng kahirapan sa buhay at kakulangan ng suporta ng gobyerno.
Base na rin sa ulat na isinagawa ng reporter ng “24 Oras”, nalaman ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ng gobyerno ang isyu sa malnutrisyon. Lubos nga itong nakakabahala sapagkat ang pinaguusapan na rito ay ang kapakanan ng bawat batang Pinoy. Ang karapatan ng bawat batang Pinoy na mamuhay nang maayos ay “ninanakaw” na rin pala ng mga makasariling gobyerno natin. Marapat lamang na kumilos na ang mga nasa nakatataas na posisyon ukol sa problemang ito.
Mabuti na lamang at nariyan ang mga organisayong gaya nang UNICEF. Ang United Nations Children's Fund o mas kilala sa tawag na UNICEF ay isa sa mga makabuluhang organisasyon ng United Nation. Mula ng naitatag ito noong 1946, ang UNICEF ay nakatulong na sa malinis na inumin, maayos na tirahan at sa sanitasyon ng paligid sa limang milyong kabataan sa buong mundo.Pangunahing layunin ng organisayong ito ang matulungan at bigyang pansin ang mga kabataan sa buong mundo.Kilala rin ang organisasyon sa pagsusulong ng mga karapatan ng bawat bata sa buong mundo.
Partikular na tinututukan ng UNICEF ang mga isyu sa edukasyon, ang agarang tulong o emergencies, HIV/AIDS, imunisayon at ang malnutrisyon. Ang lahat ng ito ay pilit na ianaaksyunan ng mga miyembro ng UNICEF.
Sa tulong ng UNICEF, nagkaroon nang panibagong pag-asa ang mga bansang may problema sa kapakanan ng bawat kabataan. Gaya ng UNICEF, sa pamamagitan ng blog na ito, gusto kong hikayatin ang mga kabataan sa pagsusulongn ng ating sariling karapatan maging ang karapatan ng bawat batang nagugutom bunga nang kahirapan na dapat sana’y masayang nagtatawanan at nagnagkakasiyahan. Lahat sana tayo ay magkaisa sa hangaring itaguyod ang kapakanan ng bawat bata dito sa mundo.

Sunday, July 02, 2006

Salamat Pacman! Kampeon ng Kabataan!

THIS is his chosen stage. This is his preferred audience—his adoring public. And almost everybody expects Manny Pacquiao to put on a show his people will talk about for a long, long while.-Published on page A1 of the July 2, 2006 issue of the Philippine Daily Inquirer
Sa oras na ito, marahil ay nagkakaroon na nang pagdiriwang. Isang pagdiriwang na dulot ng tagumpay ng ating bayaning si Manny Pacquiao. Ang bawat Pilipino sa oras na ito ay nagdidiwang at nagpupunyagi sa pagkapanalo ng minamahal nating si Pacman.
Nang dahil sa iyo, ang Pilipinas ay naging buo. Salamat sa patuloy mong pagbibigay ng karangalan sa ating bayan. Nang dahil sa iyo, nakilala muli ang Pilipinas. Nang dahil sa iyo, nagkaisa muli ang sambayanan sa iisang layunin. Sa mga makamandag mong suntok sa kalaban, alam naming inaalay mo ito sa ating bayan. Ipinakita mo hindi lamang sa sambayanang Pilipino, kundi sa buong mundo, ang 'di mapapantayan na pagmamahal sa ating bayan. Sa bawat dugong umaagos sanhi nang mga suntok ng kalaban, pilit mong inaahon ang ating bayan. Sa bawat patak nang iyong pawis, ipinakita mong kayang makipagsabayan ng Pinoy sa lahat mang larangan.
Sa bawat laban mo, asahan mong nariyan lang sa iyong likuran ang mga Pilipino. Buong galak ka naming ipinagmamalaki Pacman. Isa kang modelo sa mga kabataang Pinoy. Ang tagumpay na hatid mo ay nagsisilbing huwaran para sa mga kabataan. Sa ginawa mo'y, binigyan mo ng pag-asa ang mga kabataang nawawalan na nang saysay ang kanilang buhay.
Ang iyong katapangan ay 'di matatawaran ninuman. Ang layunin mo ay layunin namin. Ang hangarin mo ay hangarin na rin namin. Tunay kang anak ng ating bayan.